Senado, nagpasa ng resolusyong nananawagang suspendihin ang bagong travel guidelines para sa outbound passengers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ng Senado ang isang resolusyon na nananawagang suspendihin na muna ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang bagong guidelines para sa mga byaherong Pinoy na papalabas ng bansa.

Inaprubahan rin ng m
Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang isa pang resolusyon na magpapahintulot kay Senate President Juan Miguel Zubiri na maghain ng petisyon sa Korte Suprema para humiling ng isang Temporary Restraining Order (TRO) laban sa bagong guidelines ng IACAT.

Sa napagkasunduan ng mga senador sa sesyon kahapon, gagawin lang ang paghahain ng petisyon sa SC kung makikitang kakailanganin na ng court intervention para pigilan ang IACAT rules dahil sa pagiging unconstitutional nito.

Una nang iginiit ng ilang mga senador na ang bagong guidelines ay nakakapigil sa right to travel at right to privacy ng mga Pilipino dahil sa dami ng requirements, kabilang na ang financial statement.

Pinuna ni Senate President Zubiri ang pagiging restrictive ng bagong travel guidelines na ito.

Sa kanyang naging privilege speech ay hinikayat ng Senate leader ang Bureau of Immigration at IACAT na humanap ng mas mainam at episyenteng istratehiya para protektahan ang mga Pilipino laban sa human trafficking nang hindi naaapakan ang right to travel ng isang indibidwal. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us