Senate inquiry sa patuloy na pagkalat ng text scams, nais ipagpatuloy ni Sen. Grace Poe

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ipagpatuloy ni Senator Grace Poe ang inquiry ng senado kaugnay sa patuloy na pagkalat ng text scams kahit na napakarami nang nakapagparehistro sa SIM card registration sa buong bansa.

Ayon kay Senator Poe na nais niyang ipatawag ang mga telecommunication companies at mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Information and Communications Technology at National Commission o NTC hinggil sa mga kumakalat pa rin na text scams.

Dagdag pa ni Poe na isa sa nagtulak sa kanya na muling ipagpatuloy ang naturang pagdinig ay ang nakitang mga SIM card sa isang ni-raid na POGO sa Las Piñas kamakailan.

Hihingan naman ni Senator Poe ng report ang mga telco, DICT at NTC hinggil sa naturang issue. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us