Hindi kailanman magiging traydor si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Inang Bayan.
Ito ang iginiit ni Senator Robinhood “Robin” C. Padilla, matapos pabulaanan ang paratang na ipinangako ni Duterte sa Tsina, na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ito ay sa kabila ng lumalabas sa mga nakaraang araw na mga tsismis, tungkol sa dating pangulo na nag-traydor sa Pilipinas sa pamamagitan ng di umano’y pangako sa Tsina.
Sa isang plenaryo sa Senado, sinabi ni Senator Robin, na si dating Pangulong Duterte ang siyang nagtanggol ng ating soberenya, at hindi kailanman aniya ito magiging traydor sa bansa.
Sa huli sinabi ni Padilla, na isa ang dating pangulo sa nagpalakas ng ating Armed Forces of the Philippines at ng Philippine Coast Guard upang protektahan ang soberanya ng ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio