Shortage sa suplay ng papel, hindi totoo — DTI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang kakulangan sa suplay ng papel.

Ito ang tiniyak ni Trade Sec. Alfredo Aascual matapos itong mag-ikot sa Divisoria sa Maynila.

Ayon kay Pascual, kumpleto ang mga ibinibentang school supplies sa mga bangketa gayundin sa mga kilalang tindahan.

Paliwanag ni Pascual, sa mga ganitong pagkakataon, malinaw na walang kakulangan ng anumang suplay ngayong paparating ang pasukan.

Aniya, diskarte ito ng ilang negosyante para mapataas ang presyo ng school supplies.

Sa mga ganitong pagkakataon ay maaring isumbong sa DTI ang mga mapagsamantala.

Pinaalalahanan din ni Pascual ang publiko na i -heck sa kanilang website ang gabay sa presyuhan ng mga school supplies. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us