‘Slow Food Assessment,’ isinasagawa sa Western Visayas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinasagawa ang ‘slow food assessment’ ng team na binuo ng Department of Tourism 6 para magpatupad ng ebalwasyon ng mga lokal na pagkain sa Kanlurang Visayas.

Naunang pinuntahan ng assessment team ang Capiz at Iloilo, habang ngayong linggo patuloy ang slow food assessment sa Bago City, Sagay City, Silay City, Victorias City at Murcia sa Negros Occidental na naka-schedule umpisa August 7 hanggang August 11, 2023.

Binubuo ng tourism officer, media at tour operator o tour guide ang team.

Ayon kay Gilbert Marin, Hepe ng Iloilo Provincial Culture, Arts, History and Tourism Office, ang slow food ay isang ‘movement’ na nag-popromote ng lokal na pagkain at tradisyonal na pagluluto.

Pinakikilala ito bilang alternatibo sa ‘fast food,’ at sinusubukan na ingatan ang tradisyonal at rehiyonal na lulutuin at hinihikayat sa pagtanim ng halaman at pag-alaga ng hayop.

Sinabi ni Marin na marami na ngayon ang fast food chains, unti-unting nawawala ang tradisyonal na pagkain dahilan na pinapalakas nila ang slow food, upang makita at matikman ng ngayong henerasyon kung ano ka sarap at ka linis ang paghahanda ng pagkain na may mga lokal na ingridiyente mula sa rehiyon.

Pagkatapos ng kanilang ebalwasyon ilulunsad ang kuminidad ng slow food sa Kanlurang Visayas sa buwan ng September.| ulat ni Elena Pabiona| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us