‘SMART’ internship program ng Kamara, inilunsad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na inilunsad ng Kamara ang kanilang Strategic Mentoring and Research Training (SMART) Internship Program.

Mismong si House Speaker Martin Romualdez ang tumanggap sa 32 college interns mula sa University of the Philippines (UP) Diliman, UP Visayas, Lyceum of the Philippines University (LPU), Trinity University of Asia, (TUA), at University of Santo Tomas (UST).

Sa ilalim ng naturang programa mayroong silang 200-hours immersion sa mga trabaho ng House of Representatives.

Sakali na magkaroon ng alok para sila ay pormal na magtrabaho, ibaba na lang sa 100-hours ang kanilang internship.

Ang naturang programa ay nabuo matapos bumista ang House leadership sa US Congress noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Dito ay may nakilala silang isang Pilipina na sumailalim sa isang internship program ng US Congress at nagsisilbi na ngayon bilang staff ng isang US senator.

Umaasa naman si Speaker Romualdez na balang araw ay magiging bahagi rin ang naturang mga interns ng Kamara.

“Napili kayong lahat hindi lamang dahil magagaling kayo. Napili kayo dahil nakitaan kayo ng potensyal na maging lider ng bansa sa hinaharap. Kung ngayon ay interns kayo, umaasa ako na balang araw ay magiging bahagi rin kayo ng institusyong ito,” pahayag ni Romualdez.

Ang naturang programa ay year-round, ibig sabihin, oras na matapos na ang kasalukuyang interns ay muli silang tatanggap ng application. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us