SP Migz Zubiri, tiwalang makakakuha ang Pilipinas ng dagdag na suporta vs. pag-angkin ng China sa ilang bahagi ng teritoryo ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa si Senate President Juan Miguel Zubiri na makakakuha pa ang Pilipinas ng dagdag na suporta mula sa mas marami pang mga bansa, bunsod ng inilabas na bagong 10-dash line map ng China.

Ayon kay Zubiri, talagang nakakagulat ang hakbang na ito ng China.

Ipinunto ng senate president, na bukod sa Pilipinas ay apektado rin at tila sinakop ng China sa kanilang 10-dash line map ang bahagi ng teritoryo ng India, Indonesia, Malaysia at Vietnam.

Kaya naman naniniwala ang senador, na sa bagong hakbang na ito ng China ay mas mapapatibay ang suporta para sa arbitral ruling na hindi kumikilala sa 9-dash line claim ng China sa West Philippine Sea.

Kaugnay nito, nangako si Zubiri na ipaprayoridad ng Mataas na Kapulungan ang pagpasa ng Philippine Maritime Zones bill.

Aniya, sisikapin ng senado na maipasa ang panukalang batas na ito bago matapos ang taon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us