Iminumungkahi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na i-blacklist sa infrastructure projects ng pamahalaan ang mga Chinese contractor.
Paliwanag ng Senate President, tila pera pa ng mga Pinoy taxpayer ang nagagamit sa iligal na panghihimasok at harrassment ng China sa mga Pilipino sa West Philippine Sea sa patuloy na pagtangkilik ng gobyerno sa Chinese state-owned contractors sa mga big-ticket projects sa buong Pilipinas.
Para kay zZbiri, hindi tamang pera ng bayan ang pinambabayad sa mga Chinese state-owned companies tapos ang kikitain ng mga ito ay ibabalik sa tsina para gamitin na pambayad sa kanilang mga navy at coast guard na nangaha-harass sa ating tropa sa West Philippine Sea.
Matatandaang una nang nirekomenda ng senate leader na i-boycott ng bansa ang mga Chinese products at kumpanya sa Pilipinas.
Ang mga pahayag na ito ng mambabatas ay kasunod ng ginawang pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard na may supply mission sa Ayungin Shoal.
Maliban sa DPWH, ilang government agencies pa aniya ang may infrastructure project na may Chinese contractor gaya ng Department of Transportation (DOTr). | ulat ni Nimfa Asuncion