Speaker Romualdez at Rep. Erwin Tulfo, nag-ikot sa isang pamilihan sa QC upang i-monitor ang presyo ng sibuyas at ilang pangunahing bilihin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-ikot si House Speaker Martin Romualdez kasama si ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo sa Nepa Q market sa Lungsod Quezon, upang alamin ang kasalukuyang presyo ng sibuyas at iba pang pangunahing bilihin.

Sa kanilang pag-iikot, kinumusta ng dalawang mambabatas ang mga nagtitinda sa nasabing palengke, kung papaano ang pagbili nito sa mga trader at kung bakit tumataas ang presyo ng bigas at sibuyas sa merkado.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, na ang kanilang mga nakuhang mga datos ay makakatulong sa pagsasagawa ng imbestigasyon ng Kongreso.

Dahil mahalaga ayon sa mambabatas, na malaman nila first-hand ang presyo ng bentahan ng mga pangunahing bilihin, at mapakinggan mula mismo sa mga nagtitinda kung magkano ang bili nila sa kanilang paninda.

Dagdag pa ni Speaker Romualdez, na posibleng maulit pa ang pagbisita ng mga kinatawan sa iba’t ibang palengke para bantayan ang presyuhan ng sibuyas, bigas, at iba pang pangunahing bilihin.

Susunod namang pupuntahan ng mga mambabatas ang Commonwealth Market sa lungsod pa rin ng Quezon. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us