Speaker Romualdez, iimbitahan ang Chinese Ambassador upang mapag-usapan ang win-win situation kaugnay sa Ayungin Shoal incident

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na planong imbitahan ni House Speaker Martin Romualdez si Chinese Ambassador Huang Xilian, upang mahanapan ng solusyon ang insidente sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Tulfo, nakausap niya ang House leader kagabi at sinabi nito na plano niyang maimbitahan ang Chinese ambassador, upang tanungin kung may naging pagkakamali ang Pilipinas sa pagpapadala ng suplay sa ating mga sundalo sa Ayungin Shoal para gamitan ng water canon ng Chinese Coast Guard.

Hangad aniya ni Romualdez, na magkaroon sila ng Chinese ambassador ng win-win solution sa sitwasyon sa Ayungin, at upang makapagpadala na ng dagdag na suplay para sa mga sundalo nating nakadestino sa BRP Sierra Madre.

Paglilinaw pa ni Tulfo, na hindi ipapatawag o pahaharapin ng House leader ang Chinese envoy dahil wala aniyang karapatan ang Kamara para ipatawag ito.

Isa lamang aniya itong ‘friendly invitation,’ upang magkasundo ang dalawang panig na maresolba ang isyu lalo na ang pangangailangan na makapaghatid ng suplay para sa mga sundalo.

“So it’s a friendly invitation asking what happened, ‘ano ba ang nangyari bakit bobombahin ang supply ship namin?’ ‘ano ang suggestion mo na we arrive in a conclusion na pareho tayong win-win?’…Kasi hanggang nagyon, isa lang pa lang barko ang nakalusot sa araw na yun, yung binomba ng tubig, isa lang so it’s not enough.” dagdag ni Tulfo | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us