Special license plates para sa e-vehicles, ipinapanukala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni Malasakit at Bayanihan party-list Rep. Anthony Golez Jr. ang isang panukala para mabigyan ng special license plates ang mga electronic vehicle (EVs).

Sa ilalim ng kaniyang House Bill 8560, aatasan ang Land Transportation Office (LTO) na gumawa ng plaka na iba sa regular na plaka na ibinigay sa mga conventional na sasakyan.

Ngunit dapat muna itong makapasa sa pamantayan na itatakda ng LTO upang masiguro na sumusunod ito sa safety standards.

Sa paraang ito, umaasa ang mambabatas na mas dumami ang maengganyo na gumamit ng electronic vehicles.

Ang LTO na ang bahalang magdesisyon sa magiging kulay at disenyo ng plaka para sa EV.

Nakapaloob din sa panukala ang pagbibigay insentibo sa mga gumagamit ng electronic vehicle gaya ng pagbibigay ng priority lane, tax incentive, parking privilege, at environment recognition. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us