Standby na pondo ng DSWD para sa mga susunod pang kalamidad, higit ₱2-B pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot pa sa ₱2.2-bilyon ang nakahandang standby na pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) pantugon sa mga susunod na kalamidad sa bansa.

Sa datos ng DSWD, nasa ₱482-million pa ang standby funds at quick response fund na available sa Central Office at mga Field Offices.

Bukod dito, mayroon ding higit sa ₱1.7-bilyong halaga ng stockpile ang nakatabi na binubuo ng family food packs at non-food items.

As of August 7, nakapaglaan na ang DSWD ng kabuuang ₱315-milyong halaga ng tulong sa mga apektado ng Bagyong Egay habang higit sa ₱100-million na rin ang naihatid na tulong sa mga nasalanta ng Habagat at Falcon sa Regions 3, Calabarzon, at Region 6.

Una nang siniguro ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na tuloy-tuloy na ang pagdi-dispatch ng kagawaran ng mga relief goods pati na ang pamamahagi ng cash aid sa lahat ng mga binahang lalawigan.

Nakikipag-ugnayan na rin ito sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa pagsasaayos ng mga tahanang napinsala ng kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us