Sugatang Serpent Eagle na nasagip sa Zamboanga del Sur, dinala na sa Regional Wildlife Rescue Center ng DENR-9

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dinala na sa Regional Wildlife Rescue Center ng Department of Environment and Natural Resources Region-9 (DENR-9) sa bayan ng Tukuran ang isang sugatang serpent eagle na nasagip ng isang residente sa bayan ng Guipos sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.

Ayon kay Rosevirico Tan, tagapagsalita ng DENR-9, ang naturang agila ay nasagip kamakailan lamang sa Barangay Datagan sa bayan ng Guipos ng nabanggit na lalawigan.

Aniya, kinuha ng mga personahe ng regional wildlife team ang nasabing serpent eagle matapos iniulat ng isang residente na si Ernesto Cadelanza Jr. na may nasagip siyang agila at handa niya itong ibigay sa DENR.

Ipinaalam ni Cadelanza sa wildlife team ng CENRO-Guipos na nailigtas niya ang ibon nang pinagkakagat ito ng mga pukyutan at nagtamo ng sugat sa kanyang kaliwang mata.

Dinala kaagad ang serpent eagle sa DENR Regional Wildlife Rescue Center sa bayan ng Tukuran para sa tamang obserbasyon, medikasyon, at tamang pag-aalaga, bago ito ilagay sa kanyang natural na tahanan.

Umapela naman ang DENR sa publiko na iwasan ang panghuhuli ng mga wildlife species, at iulat kaagad sa mga awtoridad kung may makikita at masasagip silang mga hayop sa kanilang lugar.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us