Sunod na hakbang ni PBBM hinggil sa insidente sa Ayungin Shoal, suportado ni Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni House Speaker Martin Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na konsultahin ang hanay ng militar kaugnay sa insidente sa Ayungin Shoal.

Matatandaan na nitong August 5, binomba ng tubig ng Chinese Coast Guard ang Philippine Coast Guard at civilian vessel na nagdadala ng suplay sa mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre.

“The President made the right decision to get the consensus of officials of the Armed Forces of the Philippines on how best the government can address the latest incident in the West Philippine Sea,” sabi ni Romualdez.

Suportado rin ng House leader ang diplomatikong tugon ng pamahalaan sa insidente.

Batay sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) umabot na sa 30 diplomatic protest ang ipinadala ng bansa sa China ngayong taon.

Para kay Romualdez, kapuri-puri ang pagtindig ni PBBM sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“We support his position that we should continue to assert our sovereignty there and that we should defend every inch of our territory,” diin ng House Speaker. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us