TIniyak ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na walang magiging epekto sa suplay at maging sa presyo ng asukal ang mga pag-ulang dulot ng habagat at ng bagyong Egay.
Ayon kay SRA Administrator Paul Azcona, bagamat nakaranas din ng mga pag-ulan ang mga tubohan sa Negros ay hindi naman ito gaanong nakaapekto sa mga pananim, at sa halip ay nakatulong pa aniya para sa ilang sugarcane farms.
Sapat din aniya ang kasalukuyang suplay ng raw at refined sugar sa bansa kaya walang dahilan para magtaas ang presyo nito sa merkado.
Dagdag pa nito, magsisimula na rin ang milling season sa September 1 na inaasahang makadaragdag sa lokal na suplay ng asukal.
Sa kasalukuyan, stable pa rin ang presyo ng asukal sa mga pamilihan kung saan ang pinakamura ay mabibili sa P85 ang kada kilo habang ang pinakamahal naman ay nasa P110 kada kilo. | ulat ni Merry Ann Bastasa