Suplay ng gamot vs. leptospirosis sa evacuation centers, pinatitiyak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasisiguro ni ANAKALUSUGAN Party-list Representative Ray Reyes na may sapat na gamot kontra leptospirosis sa mga evacuation center, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Aniya, ang pagkakaroon ng suplay ng prophylaxis sa mga evacuation center ay makatitiyak na hindi magkakasakit ang mga lumikas.

Paalala pa nito na mas mainam pa rin ang ibayong pag-iingat at paghahanda lalo at hindi birong tamaan ng leptospirosis.

“Leptospirosis is a preventable disease. Sa mga panahong ganito na inaasahan ang pagbaha, sana readily available na ang prophylaxis para sa mga kababayan nating kailangang lumikas sa mga evacuation centers,” saad ni Reyes

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), mula January 1 hanggang June 3 ngayong taon ay umabot na sa 1,582 ang leptospirosis case sa bansa.

Habang batay sa datos ng Epidemiology Bureau, nakapagtala rin ng pagtaas sa kaso ng namamatay dahil sa leptospirosis na nasa 161 deaths mula sa 135 noong nakaraang taon.

Pinayuhan din ni Reyes ang mga lumikas na mag-ingat laban sa mga sakit gaya ng ubo, sipon, at lagnat na madaling maipasa lalo na kung magkakasama ang maraming tao sa iisang lugar. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us