Natapos na ng Department of Migrant workers (DMW) ang system at maintenance upgrade sa DMW Mobile App – OFW Pass para sa ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon sa DMW, naipadala na ang one time password (OTP) authentication sa pamamagitan ng email para sa mga OFW na gagamit ng DMW Mobile at OFW Pass App.
Paglilinaw ng ahensya ang DMW Mobile App at OFW Pass ay nasa proseso pa rin ng pilot test run.
Ibig sabihin bagamat maida-download na aniya ang mobile app ay hindi pa fully operational at dumadaan pa rin sa mga pagbabago at technical improvements ang OFW Pass App.
Matatandaang sa mga nakalipas na linggo ay kaliwa’t-kanang reklamo ang tinanggap ng DMW mula sa mga OFW na sumubok gumamit ng DMW Mobile App at OFW Pass App.
Hinihikayat ng DMW ang mga OFWs na iparating ang kanilang mga feedback at suhestisyon habang isinasagawa ang pilot test run ng app. | ulat ni AJ Ignacio