Umapela si Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez sa Civil Aeronautics Board (CAB) na suspindihin ang pagpapataw ng taas singil sa aviation fuel surcharge para maiwasan ang fare hike sa eroplano.
Kasabay nito, nanawagan din ang kinatawan sa Philippine Airlines, Cebu Pacific, Air Asia, at iba pang carriers na huwag nang mangolekta ng surcharge lalo at optional lang naman ito sa kanilang panig.
Puna ng mambabatas, mabilis magpatupad ang CAB ng dagdag gastos ngunit hindi naman agad umaakyson sa reklamo ng overbooking at flight cancellations.
“The CAB is quick in giving more to airlines at the expense of the Filipino riding public. It has been remiss in penalizing airlines for flight cancellations, overbooking resulting in bumping off of passengers, delays, inordinate baggage policies, and failure of customer service availability,” sabi ni Rodriguez.
Malaki rin aniya ang magiging epekto ng taas singil sa pasahe sa eroplano sa turismo na bumabangon pa lang mula sa pandemiya.
“Higher plane fares will dampen both domestic and international travel. I appeal to the carriers to defer the higher surcharge to encourage more tourists,” he said.
Batay sa abiso ng CAB simula September 1 ay tatas na ang fuel surcharge dahil sa mas mahal na presyo ng petrolyo.
Depende sa layo, ang surcharge increase ay naglalaro sa P185 hanggang P665 para sa domestic at P610,37 hanggang P4,538.40 para sa international flight.
Kaya naman ani Rodriguez, pinakatatamaan nito ay ang mga biyahe papunta at pabalik ng Mindanao. | ulat ni Kathleen Jean Forbes