Tamang implementasyon ng Garcia-Mandanas Ruling, unahin bago itulak ang pederalismo—mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas si Albay Rep. Edcel Lagman sa pagtalakay sa pederalismo at charter change.

Magkagayunman, naniniwala ang independent minority solon na hindi ito ang tamang panahon para isulong ang pederalismo.

Matatandaan na sa isang talumpati, sinabi ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na kailangan ang pederlasimo upang mabigyang pagkakataon ang mga rehiyon sa bansa na umunlad.

Punto ni Lagman, mahirap pa itong maisakatuparan lalo apat na rehiyon pa lang ang may kakayanang mag-operate ng federal system—ang Metro Manila, Central Luzon, Southern Luzon at Metro Cebu.

“I am open to discuss federalism, which needs charter change, but the time for its adoption has not come considering the various adverse economic factors that currently pummel the economy. Moreover, only four regions presently have the capacity to operate in a federal system, namely: Metro Manila, Central Luzon, Southern Luzon, and Metro Cebu.” paliwanag ni Lagman.

Dagdag pa nito dapat ay unahin muna ang tamang implementasyon ng Garcia-Mandanas Supreme Court na nagbibigay sa mga LGU ng karampatang bahagi ng customs and tariff revenues.

Dahil kasi aniya sa Executive Order No. 138 ni dating Pang. Rodrigo Duterte, inilipat na sa mga LGU ang pagpapatupad ng ilang mga programa gaya ng irigasyon at school buildings na hindi kakayanin ng LGU kahit may dagdag nang pondo.

Bagamat ipinahinto pansamantala ni PBBM ang naturang kautusan mas mainam aniya na i-repeal o ibasura na lang ito at hayaan ang LGU na magdesisyon kung paano gugugulin ang kanilang pondo.

“It is well that President Marcos partially suspended the implementation of EO 138, but more than a temporary suspension, it must be repealed or abrogated to afford the LGUs the full discretion on the utilization of their funds consistent with the allocation ratio provided for in the Local Government Code.” dagdag ni Lagman. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us