Target economic growth rate ng pamahalaan, kaya pa ring maabot sa pagtatapos ng 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang National Economic and Development Authority (NEDA) na kaya pa rin ng pamahalaan na maabot ang target economic growth na 6% to 7% ngayong 2023.

Pahayag ito ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, kasunod ng projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na posibleng hindi maisakatuparan ng gobyerno ang growth target para sa kasalukuyang taon, lalo’t nakapagtala ng underspending ang ilang tanggapan ng pamahalaan sa unang bahagi ng taon.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na tinutugunan na nila ang mga natukoy na source ng pagbagal na ito.

Nai-prisinta na rin aniya nila ang catch up plans, kasabay ng pagbibigay commitment na bibilisan ang implementasyon ng mga proyekto at programa ng gobyerno, para sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa, sa ikalawang bahagi ng taon.

Kung matatandaan, una nang sinabi ng DBM na malaki ang ambag ng government spending sa paggalaw o pagpapalago ng kabuuang ekonomiya ng bansa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us