Tax allotment sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon, tumaas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa tax allotment para sa P5.768 trillion 2024 National Expenditure Program (NEP).

Sa pagbabahagi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman nang isumite ang panukalang budget sa Kamara, may 6.23% aniyang increase sa National Tax Allotment (NTA) na nakapaloob sa NEP na nagkakahalaga ng P51.11 billion.

Kaya naman mula sa kasalukuyang P829.27 billion NTA ngayong taon ay tumaas ito sa P871.38 billion para sa 2024.

Kasama na rin ani Pangandaman sa 9.5% increase sa kabuuang 2024 NEP ang mga kikitain mula tax measures na isinulong ng Department of Finance.

Halimbawa aniya nito ang dagdag buwis sa asukal at asin, rationalization ng mining sector, VAT sa digital service providers, buwis sa single use plastics, at ang Package 4 ng Tax Reform measure na Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act o (PIFITA). | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us