Mariing kinondena ni House Committee on National Defense and Security Chair Raul Tupas ang paggamit ng China ng water cannon para itaboy ang ating Philippine Coast Guard at civilian boat na patungong BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon sa mambabatas hindi lang ang Pilipinas at Southeast Asian countries ang apektado sa tensyon sa West Philippine Sea.
Anuman kasi aniyang gulo sa naturang karagatan ay makakaapekto sa freedom of navigation at maging sa global economy.
Diin pa ni Tupas kailangan tumalima ng China sa international law partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award na naipanalo ng Pilipinas at hindi tamang idaan aniya ito sa dahas.
“The act of blasting a water cannon at the Philippine Coast Guard is a brazen attack on our white ship patrolling our own waters by the Chinese Coast Guard sailing far from its territorial water. Respect for the Philippines’ sovereignty over the West Philippine Sea, our Exclusive Economic Zone, and territorial waters must be observed.” saad ni Tupas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes