Nais ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na mag-focus sa Technical Vocational ang Education Training (TVET) program sa bansa.
Ito’y dahil sa lumulobong demand ng pangangailangan ng skilled workers sa ibang bansa lalo na sa sektor ng Information at Digital Technologies at kalusugan.
Ayon kay TESDA Deputy Director General Aniceto “John” Bertiz III na kabilang sa sektor na nais nilang bigyan ng pansin ay ang cybersecurity, robotics, at smart healthcare.
Dagdag pa ni Betriz na bukod sa trabaho ang dala ng naturang mga sektor ay magkakaroon ng mas maraming skilled workers sa ating bansa at maaring makapag-apply sa mga trabaho mula sa mga bansang may pangangailangan ng mga nasabing sektor. | ulat ni AJ Ignacio