Tinanggal na ₱3.82-B para sa health facilities, maaaring ipondo sa special centers — Batangas solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto ang Kongreso na ibalik ang ₱3.82 bilyon na tinanggal sa Health Facility Enhancement Fund o HFEP sa ilalim ng 2024 budget para pondohan ang new regional specialty centers law.

Ito’y upang matiyak na malalaanan ng pondo ang bagong batas sa susunod na taon at upang hindi na kailangan pang maghintay ng 2025 para sa implementasyon nito.

Kamakailan, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 11959 o ang “Regional Specialty Centers Act” na naglalayong magtatag ng mga specialty center sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Ayon kay Congressman Recto mula sa ₱26.81 bilyon na 2023 HFEP budget ay kinaltasan ng ₱3.82 bilyon kaya naging P22.98 bilyon na lang para sa susunod na taon.

Aniya ang pagpopondo sa Specialty Centers Act ay maaaring simulan ‘pag ibinalik ang tinanggal na ₱3.82 bilyon.

Paliwanag ng mambabatas, ang bagong batas ay kahalintulad ng reseta ng doktor na kailangan nang mabili upang mailigtas ang tao.

Ang mga specialty center ay inaasahang hahawak ng 17 specialization mula sa puso, baga at bato na siyang itatayo sa mga regional hospital. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us