Plano ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II na humingi ng tulong sa Philippine National Police (PNP) para habulin at sugpuin ang mga fixer sa lahat ng tanggapan ng ahensya sa buong bansa.
Kasama na rin sa target ng LTO na mapatigil ang mga social media na ginagamit ng mga fixer sa kanilang mga ilegal na aktibidad.
Nais ng LTO Chief na gawin nang regular basis ang pagsasagawa ng operasyon kasama ang pulisya.
Paliwanag pa ni Mendoza, na ang tuloy-tuloy na operasyon laban sa mga fixer ay makatutulong sa deployment ng “mystery applicants.”
Ang mystery applicants ang naatasang mag-ulat ng status ng mga operasyon at mga transaksyon sa serbisyo sa lahat ng district offices ng LTO.
Isa ito sa mga istratehiya ng LTO para makakuha ng malinaw na larawan sa mga nangyayari sa mga district offices ng ahensiya. | ulat ni Rey Ferrer