Unang lumabag sa election gun ban sa lalawigan ng Quezon, arestado matapos mag-amok

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto ng Philippine National Police ang kauna-unahang lumabag sa gun ban sa lalawigan ng Quezon matapos na mag-amok at manakot gamit ang baril sa bayan ng Macalelon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ni Quezon Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel Ledon Monte ang suspek na si Jayson Garcia Bulfane, 37 taong gulang.

Nakumpiska sa suspek ang isang replica na Glock 18 kasama ang 3 bala.

Nasa kustodiya ng Macalelon Municipal Police Station ang suspek para sampahan ng kaukulang kaso.

Nitong hatinggabi ng Agosto 28 sinimulang ipatupad ng PNP ang nationwide gun ban kasabay ng pagsisimula ng election period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre. | ulat ni Leo Sarne

📷: QUEZON PPO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us