US Embassy, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng yumaong DMW Sec. Ople

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ng United States Government ang kontribusyon ng yumaong Migrant Workers Sec. Susan ‘Toots’ Ople laban sa human trafficking.

Kasabay ito ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng Kalihim na sumakabilang buhay kahapon.

Sa social media post ng US Embassy sa Maynila, sinabi ni Ambassador Marykay Carlson, malaking kawalan si Ople sa kampanya ng mundo para labanan ang human trafficking.

Noong 2013, ginawaran ng State Department ng Amerika si Ople ng Trafficking in Person Heroes Award bilang kampeon sa karapatan ng mga Filipino Migrant Workers.

Bago pa naging Kalihim ng Department of Migrant Workers si Ople, nakilala na ito sa pagtulong sa mga OFW sa pamamagitan ng kanyang Blas F. Ople Policy Center and Training Institute Inc. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us