Valenzuela LGU, mamamahagi ng “Balik Eskwela School Kits” sa mga mag-aaral sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisimulan na bukas ang pamamahagi ng Balik Eskwela School Kits sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa lungsod ng Valenzuela.

Ayon kay Mayor Wes Gatchalian, taon-taon na nilang ginagawa ang pamamahagi ng mga kagamitan sa eskwela sa mga mag-aaral mula kinder hanggang grade 6.

Nilalayon nitong mapagaan ang gastusin ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang anak.

Kabuuang 80k School Kits ang inihanda na ng LGU para sa mag aaral sa 41 pampublikong paaralan sa lungsod.

Tatagal ang pamamahagi nito hanggang Agosto 11. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us