Umapela si AGRI Party-list Representative Wilbert Lee sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO), na palawigin ang validity ng mga lisensiyang apektado ng temporary restraining order (TRO) ng Quezon City court.
Ang naturang TRO ay para sa paggawad sa LTO ng 5.2million plastic cards mula sa bidder na Banner PlastiCard.
Sa ilalim ng House Resolution 1203 ng mambabatas, hiling nito na otomatikong i-extend ang validity ng apektadong driver’s license nang hanggang isang taon.
Pinatutugunan din ng kinatawan sa mga kinauukulang ahensya, na huwag nang maulit ang mga isyu sa procurement ng license card nang hindi na mauwi sa pagkaantala.
“This will give the DOTr and LTO ample time to resolve pending procurement issues or to study viable alternatives while avoiding further inconvenience to the public,” dagdag ng kinatawan. | ulat ni Kathleen Forbes