Nagpaabot ng mensahe sa mga mag-aaral at mga magulang si Vice President at Education Secretary Sara Duterte hinggil sa pagkakatatag ng bagong Matatag K-to-10 curriculum program ng Department of Education (DepEd).
Sa kanyang mensahe sa launching ng Matatag K-to-10 Curriculum Program sinabi ng Ikalawang Pangulo na layon ng bagong curriculum na mas mapalakas at mapa-unlad ang kakahayaan ng bawat mag-aaral sa bansa.
Dagdag pa ni VP Sara na isa sa layunin ng bagong curriculum na magkaroon ng focus sa larangan ng literacy, numeracy, at socio-emotional skills ng bawat mag-aaral.
Isa rin sa nais ni VP Sara na maibalik ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa bawat mag-aaral na nakapaloob sa RA 11476 or the GMRC and Values Education Act of 2020.
Sa huli nagpasalamat si VP Sara kay dating DepEd Secretary Liling Briones sa kanyang gabay at pagbubukas ng pag-aaral sa pagrebisa ng bagong curriculum na magpapayabong ng kaalaman at karagdagang karungungan ng ating mag-aaral na may matatag na pundasyon at pagmamahal sa bayan. | ulat ni AJ Ignacio