VP at Education Sec. Sara Duterte, pinasalamatan ang deligado at bumubuo ng Palarong Pambansa 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasalamatan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang lahat ng deligado ay bumubuo ng Palarong Pambansa 2023 sa matagumpay na taunang sporting event ng Department of Education (DepEd).

Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan niya ang lokal na pamahalaan ng Marikina City sa maayos na pagsasagawa ng 2023 Palaro at ang mga kalahalok sa aktibong partisipasyon sa annual basic education sporting event.

Napanatili naman ng National Capital Region (NCR) ang Overall Championship nang mag-uwi sila ng 85 gold, 74 silver, at 55 bronze medals. Sinundan naman sila ng Western Visayas na may 60 gold, 45 silver, at 44 bronze medals, at CALABARZON na may 52 gold, 52 silver, at 57 bronze medals.

Idineklara naman ni Assistant Secretary for Operations at Palarong Pambansa Secretary-General Francis Cesar Bringas ang Cebu City na host ng Palarong Pambansa 2024 at ang Ilocos Norte sa 2025 edition.

Samantala, binuksan na ngayon araw ng DepEd ang enrollment period para sa school year 2023-2024. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us