VP Sara at AFP chief, pinangunahan ang pagpaparangal sa natatanging tauhan ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan nina Vice President Sara Duterte at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagpaparangal sa mga natatanging tauhan ng AFP.

Ito’y sa “Tribute to Soldiers” awarding ceremony sa pagtatguyod ng Manila Times, na isinagawa sa Manila Hotel kahapon kasabay ng paggunita ng National Heroes Day.

Kabilang sa kinilalang 10 Outstanding Filipino Soldiers sina:

SSg. Daryl B. Gacad PAF, Sgt. William B. Tello Jr. (MI) PA, at S2 Jaime V Caguioa Jr. PN para sa kanilang kontribusyon sa combat zone;

TSg. Bernard L Magpantay PAF, SSg. Roseller D. Gozo (SC) PA, at DP2 Dizon G. Vallesteros PN para sa Innovation in Administrative and Logistics Functions;

TSg. Liezel A. Eranista PAF, Sgt. Ephraim B. Mission Jr. (INF) PA, at SSgt. Michael S. Rayanon PN (M) para sa Outstanding Community Service;

At si YN2 Lilane I. Muring PN para sa Achievement in Education.

Habang ang Tactical Operations Group 7 ng Philippine Air Force ang pinarangalan bilang Best Unit.

Hinikayat naman ni Gen. Brawner ang mga mamamayan na gawing inspirasyon ang ehemplo ng mga natatanging sundalo at maghanap ng kanya-kanyang paraan para makatulong sa komunidad. | ulat ni Leo Sarne

📷: PFC Carmelotes/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us