VP Sara Duterte, pangungunahan ang National Heroes Day sa Mactan, Cebu ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Panaunhing pandangal si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pagdiriwang ng National Heroes Day sa Cebu ngayong araw.

Partikular na pupuntahan ng Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Edukasyon ang Liberty Shrine sa Brgy. Mactan sa Lapu-Lapu City.

Dito kasi matatagpuan ang mga bantayog nila Fernando Magellanes gayundin ni Lapu-Lapu at sa lugar na rin ito nangyari ang makasaysayang labanan ng Mactan noong 1521.

Inaasahang mag-aalay ng bulaklak VP Sara sa bantayog ni Lapu-Lapu na itinuturing na unang bayaning lumaban sa pananakop ng mga dayuhan

Ilalahad din dito ni VP Sara ang kaniyang mensahe para bigyang pugay at parangal ang mga natatanging bayani sa araw na ito.  | ulat ni Jaymark Dagala

📸: DOT

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us