Kinilala ni Vice President Sara Z. Duterte ang talento at potensyal ng mga kabataan na makagawa ng mga positibong pagbabago sa bansa ngayong ipinagdiriwang ang “Linggo ng Kabataan 2023.”
Sa isang mensahe sinabi ni VP Sara na dapat kilalanin ang kakayahan ng mga kabataan na makagawa pagbabago lalo na aspeto ng pangangalaga sa kalikasan.
Kaugnay nito ay hinimok ng Pangalawang Pangulo ang mga kabataan na maging “environmental stewards” at manguna sa pagsusulong ng climate action sa bansa.
Matatandaang isa sa mga inisyatibo ng Office of the Vice President ang Pagbabago: A Million Learners and Trees Campaign.
Layon nito hikayatin ang mga Pilipino na magtanim ng isang milyong puno pagdating ng 2028, bukod pa sa pagsusulong ng kahalagahan ng edukasyon.
Umaasa naman si VP Sara na patuloy na gagamitin ng mga kabataan ang kanilang boses, abilidad, at edukasyon upang makatulong sa kanilang pamilya at komunidad.| ulat ni Diane Lear