Nanguna si Vice President at DepEd Sec. Sara Z. Duterte sa ang pagpupugay sa mga sundalo ngayong National Heroes Day sa Manila Hotel.
Sa idinaos na “Tribute to Soldier,” sinabi ng Pangalawang Pangulo, marapat lang saluduhan ang mga sundalo na nagpakita ng kahusayan, katapangan, dedikasyon at pagmamahal sa bayan.
Sa kanyang talumpati, binigyan ng diin ni VP Sara ang pagtatanggol ng mga sundalo laban sa mga dayuhan mula noong panahon ng mga Kastila hanggang sa pagtatanggol sa teritoryo at banta ng terorismo sa kasalukuyan.
Tiniyak niya sa mga sundalo na susuporta ang Kagawaran ng Edukasyon at nagsusumikap na makabuo ng mga nagtapos sa basic education na maging makabayan at may pagmamahal sa bansa.
Binigyan ng parangal at pagkilala ang ilan sa mga katangi-tanging sundalo mula sa Philippine Air Force, Philippine Army at Philippine Navy na nagpamalas ng kanilang kahusayan sa pagganap ng tungkulin.
Bukod sa trophy at sertipikasyon ng kanilang tinanggap, binigyan din sila ng Bise Presidente ng monetary Award na P50, 000.00 kabilang na ang 32 nominees.
Sinaksihan ng mga opisyal ng AFP sa pangunguna ni Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, mga dating Defense Secretary Delfin Lorenzana, Orly Mercado, dating Sen. Gregorio Honasan.
Ang Tribute to Soldiers ay inorganisa ng The Manila Times sa pangunguna ni Dr. Ramon Ang Sr.| ulat ni Mike Rogas