Inihayag ni Vice President Sara Z. Duterte na ang Kongreso at Senado ang may karapatan kung irere-align ang confidential funds ng Office of the Vice President.
Ito ang sagot ng Pangalawang Pangulo matapos manawagan si ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa Kongreso na ire-align ang P500 milyon intelligence fund ng OVP at dagdagan ang intelligence fund ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay VP Sara, hindi nakabase kay Castro ang desisyon kundi sa buong Kongreso kaugnay sa pagrere-align ng confidential funds.
Giit kasi ni Castro na ang PCG ang palaging humaharap sa pambu-bully ng China at nasa P10 milyon lang ang intelligence funds nito simula pa noong 2009.
Matatandaang binomba ng water cannon ng China Coast Guard ang barko ng PCG na patungong Ayungin Shoal nitong Sabado para sa resupply mission sa BRP Sierra Madre.| ulat ni Diane Lear