Anumang araw mula ngayon, inaasahan nang maglalabas ng warrant of arrest ang Department of Justice (DOJ) laban kay dating Negros Oriental Rep. Arnie Teves.
Ayon kay DOJ Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano, ang warrant of arrest ay may kaugnayan sa kasong murder na isinampa sa dating kongresista noong 2019 at kasong murder, attempted murder at frustrated murder na may kaugnayan sa Degamo slay case.
Sinabi ni Clavano na naisampa na ng prosecutors office sa Manila Regional Trial Court at korte sa Bayawan noong mga nakaraang linggo ang kaso laban sa dating kongresista.
Nauna nang hiniling ng DOJ sa Korte Suprema na ilipat sa Manila ang kaso sa Bayawan dahil nais nilang maging neutral ang ground sa magiging venue ng pagdinig sa kaso.| ulat ni Rey Ferrer