Pinangunahan ni Western Mindanao Command (Westmincom) at incoming Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido and pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa kauna-unahang flag-pole na itinayo sa Bakkungan island, Tawi-Tawi.
Ayon kay Lt. Gen. Galido, ang aktibidad sa Bakkungan Island, ay para ipakita ang pagpagpalit ng postura ng Westmincom mula sa internal security tungo sa external defense.
Ang naturang isla na bahagi ng turtle island group na malapit sa Sabah, ay nasa maritime border ng Pilipinas at Malaysia.
Bukod sa flag-raising, nagsagawa din ang mga tropa ng Westmincom ng groundbreaking ng solar lamp posts, at pag-turnover ng medical at school supplies sa isla.
Habang nagsagawa naman ng joint exercises at communication exercises sa karagatan ang mga land, sea at air assets ng Westmincom.
Sa kanyang pagbisita sa Bakkungan Island, si Lt. Gen. Galido ay sinamahan ni Naval Forces Western Mindanao Commander, Rear Admiral Donn Anthony Miraflor; Joint Task Force Tawi-Tawi/2nd Marine Brigade Commander, Brig. Gen. Romeo Racadio; Turtle Islands Mayor Mohammad Faizal Jamalul, at iba pang mga opisyal at tauhan ng Westmincom. | ulat ni Leo Sarne
📷: WESTMINCOM