Zamboanga Sibugay solon, hiniling sa PNP, BFP at BJMP na i-waive na ang kanilang pabigas para ibigay ang pondo sa subsistence allowance ng PDLs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ni Zamboanga Sibugay Representative Wilter Palma, na kunin na lang ang pandagdag pondo para sa subsistence allowance ng persons deprived of liberty (PDLs) sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula sa rice allowance ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at BJMP.

Aniya, hindi naman nakakatanggap ng 20 kilos na rice allowance ang mga non-uniformed personnel ng naturang mga ahensya kaya sa pamamagitan nito ay ipapantay-pantay ang kanilang mga benepisyo para sa kapakanan ng mga preso.

Sa budget briefing ng Department of the Interior and Local Government (DILG), lumabas na gaya ng mga PDL sa Bureau of Corrections, P70 ang subsistence allowance ng mga PDL sa BJMP; at P15 lang ang para sa kanilang medical needs o panggamot.

Ayon kay BJMP Director Ruel Rivera, hiniling nila na maitaas ito sa P100 ngunit hindi napagbigyan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us