₱30-M na pondo para sa rehabilitasyon ng San Sebastian Church, hiling ng Manila solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Manila Representative Joel Chua na mapaglalaanan ng mas malaking pondo ang rehabilitasyon at restoration ng San Sebastian Church na naitayo noon pang 1891.

Hirit nito, mabigyan ng ₱30-million annual budget sa loob ng apat na taon ang pagsasaayos sa San Sebastian Minor Basilica na gawa sa purong bakal.

Bagamat nakatayo pa aniya ang simbahan ay unti-unti na aniyang humihina at nasisira ang pundasyon nito.

Kung tutuusin aniya, maaaring umabot pa ng hanggang ₱2-billion ang kakailanganing pondo para sa tuluyang pagsasaayos nito na aabutin ng 15 hanggang 20 taon.

“Given the complex nature of the San Sebastian Church compared to other old churches in the Philippines, its restoration would probably initially need upwards of at least ₱500-million spanning five to 10 years, but full restoration and conservation could take 15 to 20 years and cost upwards of ₱2-billion at least,” ani Chua.

Una nang itinulak ni Chua ang pagkikipagtulungan sa pribadong sektor at pagpasok sa foreign aid para sa restoration ng San Sebastian dahil aminado itong malaking halaga ang kakailanganin para ito maisakatuparan.

Paalala pa nito na ang San Sebastian Minor Basilica ay isang National Historical Landmark at National Cultural Treasure. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us