May bentahan na muli ng murang bigas sa ADC Kadiwa Store sa tanggapan ng Department of Agriculture.
Kasunod ito ng pagdating sa Kadiwa ng 120 na bags ng well-milled rice na bagong ani mula sa Nagkakaisang Magsasaka Agricultural Primary MPC ng Talavera, Nueva Ecija.
Mabibili ang naturang bigas sa halagang ₱45/kg sa ADC-Kadiwa mula alas-12 ng tanghali.
Tulong na rin aniya ito ng kagawaran para maparating ang murang bigas patungo sa Metro Manila.
Nasa 10 sako ng tig-25 kilos ang ibebenta kada araw kung saan hanggang tatlong kilo lang din ang pwedeng bilhin ng mga mamimili.
Samantala, tuloy-tuloy ang bentahan ng mga sariwang lowland at highland vegetables sa ADC Kadiwa Store.
Pagtitiyak ng mga nagbebenta rito, mas mura pa rin sa Kadiwa store kumpara sa palengke.
Kabilang sa mabibili rito ang mga sumusunod:
Patatas – ₱135 / kg
Repolyo – ₱100 /kg
Carrots – ₱125/kg
Sayote – ₱55/kg
Celery – ₱270/kg
Leeks – ₱160 /Kg
Pipino – ₱80/kg
Beans- ₱20/pack
Radish – ₱50/ kg
Patola – ₱80/kg
Okra – ₱15 kada tali
Ampalaya – ₱120/kg
Upo – ₱60/piraso
Papaya – ₱35/kg
Sigarilyas- ₱25/tali
Puso ng Saging- ₱35kg
Siling Labuyo – ₱50/pack
Saba – ₱35/kg
Pechay -₱20/tali
White Onion -₱110/kg
Luya – ₱70/kg
Kangkong- ₱15/tali
Red Onion – ₱120/kg
Saluyot – ₱15/tali
Kamatis- ₱120/kg
Kalamansi – ₱50/kg
Dahon ng Ampalaya – ₱20/tali
Kalabasa – ₱45/kg
Gabi- ₱70/kg
| ulat ni Merry Ann Bastasa