₱500 tax registration para sa BSKE candidates, hiniling na alisin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ni Senior Deputy Minority Leader Paul Daza sa Comelec na makipag-ugnayan sa Bureau of Internal Revenue kaugnay sa requirement nito na tax registration para sa mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay Daza, pabigat lang ang binabayarang ₱500 ng BSKE candidates, lalo na ang mga kabataan para sa naturang tax registration.

Nilinaw naman ni Appropriations Vice Chair Bingo Matugas, sponsor ng budget ng Comelec nahindi sang-ayon ang poll body sa naturang polisiya.

Para sa Comelec, hindi kailangan maging rekisitos sa paghahain ng certificate of candidacy ang tax registration.

Paliwanag ni Matugas, iniisip kasi ang BIR na dapat patawan ng donor’s tax ang financial donations na natatanggap ng mga kandidato kahit hindi saklaw ng pagbubuwis.

Nangako naman ito na maglalabas ang Comelec ng resolusyon o advisory sa BIR para hingin ang pagpapahinto sa naturang tax registration. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us