1 Sundalo patay at 1 pa ang sugatan, sa bakbakan ng militar at NPA Labunao, Iloilo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patay ang isang sundalo at isa pa ang sugatan sa naganap na engkwentro sa pagitan ng 82nd Infantry Battalion Philippine Army at New People’s Army (NPA) sa Sitio Agdalusan, Brgy. Jayobo, Lambunao, Iloilo.

Ayon kay 301st Brigade Commander Michael Samson, nakatanggap ng impormasyon ang militar na may presensya ng rebelde sa lugar.

Ito ay dahil iniiwasan ng mga residente na may mangyaring gulo dahil sa presensya ng mga rebelde sa lugar.

Sa pagresponde ng militar, naka-engkwentro ng 82nd IB ang mahigit kumulang 10 miyembro ng Baloy Platoon ng Central Front ng Komiteng Rehiyon Panay.

Na-recover sa encounter site ang 2 M16 rifle at iba pang war materials ng mga rebelde.

Sa ngayon, nasa mabuting kalagayan na ang sugatang sundalo habang pinaalam na ng militar ang pamilya ng nasawing sundalo sa engkwentro.

Patuloy naman ang pursuit operations ng militar para mahuli ang mga rebelde.| ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us