10 dash line na inilabas ng China sa West Philippine Sea, kinondena ng DOJ

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinawag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na iligal ang inilabas ng China, na 10 dash line sa West Philippine Sea (WPS) na umaangkin ng kanilang teritoryo.

Ayon kay Remulla, walang basehan ang bagong dokumento ng China dahil hindi naman ito ang tunay na Mapa.

Bukod sa diplomatic protest, maaari na rin daw kwestyunin sa United Nation Convention of the Law of the Sea (UNCLOS) ang ginawang ito ng China.

Sa nasabing dash line, mas pinalawig pa ng mga Tsino ang pang-aangkin nila sa West Philippine Sea, bagay na pinalagan ng mga karatig bansa tulad ng Pilipinas.

Naghain na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs laban sa China, matapos ilabas ang 10 dash line na nagpapalawak sa kanilang teritoryo. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us