Dini-develop na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nasa 10 ektarya ng land reservation ng New Bilibid Prisons para gawing agriculutral land sa pakikipag-partnership nito sa Department of Agriculture upang makatulong sa food security program ng national government.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., layon ng pag-develop ng kanilang land reserves na gawing agricultural lands upang makatulong sa pagkakaroon ng food independence ng BuCor at pagsuporta sa food security program ng national government.
Dagdag pa ni Catapang, isa sa nais nilang itanim sa kanilang mga ekta-ektaryang lupa ang iba’t ibang mga pangunahing gulay.
Kaugnay nito, nakipagpulong na rin ang BuCor sa Bureau of Plant Industry upang kapag nag-harvest na ng mga pananim sa BuCor ay magsu-supply din ang mga ito sa mga Kadiwa pop-up store sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila. | ulat ni AJ Ignacio