10% ng mga kabahayang wala pang kuryente sa Pilipinas, target na maserbisyohan ng NAPOCOR bago matapos ang Marcos administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target ng National Power Corporation (NAPOCOR) na mabigyan na ng suplay ng kuryente ang 10 porsyento ng mga kabahayan sa Pilipinas na wala pang kuryente bago matapos ang Marcos administration.

Sa pagdinig ng Senate Sub-Committee on Finance sa panukalang pondo ng NAPOCOR para sa susunod na taon, ibinahagi ni NPC Executive Director Fernando Roxas na sa ngayon ay nasa 1.25 milyong kabahayan na sa Pilipinas ang mayroong kuryente.

Katumbas ito ng 72 percent ng kabuuang bilang ng households sa buong bansa.

Samantalang nasa 479,000 households naman sa Pilipinas ang unserved o underserved ng NPC.

Tiniyak naman ni Roxas na bago matapos ang kasalukuyang administrasyon ay target nilang mabigyan na ng suplay ng kuryente ang nasa 10 porsyento ng mga kabahayang wala pang kuryente.

Nakikipagtulungan na aniya sila sa National Electrification Administration (NEA) para sa layuning ito.

Nasa ₱41.4-billion pesos ang panukalang pondo para sa NPC sa susunod na taon.  | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us