10-year innovation roadmap ng bansa para sa development pa ng Pilipinas, ‘di lang basta plano – Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi matatapos sa plano ang inilunsad na 10-year Innovation Roadmap o ang National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD), na naglalaman ng mga istratehiya upang mapaigting ang innovation governance, at mapalalim at mapabilis ang innovation effort ng pamahalaan.

Maging ang pagpapayabong pa ng public-private partnerships.

Sa launching ng dokumento ngayong hapon (September 27), sinabi ng Pangulo na sumasalamin ito sa commitment ng administrasyon na isulong ang patuloy na inobasyon at development sa bansa.

Gayundin ang pagsusulong ng inobasyon sa linya ng mga mananaliksik, scientists, mga negosyante, engineers, at ng bawat mamamayang Pilipino.

“This document is not just a plan but a commitment to making innovation an indispensable component of our nation’s development agenda, and a key driver in our vision to achieve a truly smart and innovative Philippines,” —Pangulong Marcos Jr.

Sa ilalim ng dokumento, bibigyang prayoridad ang pagpapasok ng inobasyon sa edukasyon at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Gayundin sa linya ng finance, manufacturing, public administration, kalakalan, security and defense, enerhiya, blue economy, at maging sa sektor na may kinalaman sa tubig.

“We shall reform our education curriculum design and learning platforms to develop the creativity, curiosity, problem-solving skills, and entrepreneurial abilities of Filipinos for the 21st century,” —Pangulong Marcos Jr.

Umaasa ang Pangulo, na sa pamamagitan ng roadmap na ito magagawa ng Pilipinas na maiposisyon ang sarili nito bilang tagapagsulong ng inobasyon, kabalikat ang mga kalapit nitong bansa sa Southeast Asian region.

“We are hopeful in the journey that we have taken, as it positions us to become a stalwart of innovation in this dynamic and promising region,” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us