1,251 rice retailers sa Bicol Region, nakatakdang tumanggap ng cash assistance mula sa DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

May 1,251 na mga rice retailer sa buong rehiyon ng Kabicolan ang nakatakdang tumanggap ng kanilang cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development Bicol. Ang bilang na ito ang siyang bumubuo sa pangalawang batch ng mga rice retailer sa rehiyon.

Ang distribusyon ng cash assistance ay ginagawa bilang tugon sa isyung kinakaharap ng mga rice retailer bunsod ng pagpapatupad ng Executive Order 39 na kung saan naglagay ng price cap para sa binebentang regular at well milled rice.

Ayon kay Department of Trade and Industry Bicol Regional Director Dindo Nabol, nagsumite na ang kanilang tanggapan ng listahan na dumaan sa beripikasyon sa DSWD para sa pangalawang batch ng mga rice retailer.

Samantala, dagdag ni RD Nabol, may 473 na rice retailers mula sa 578 na target sa first batch ng distribusyon sa rehiyon ang naabutan na ng cash assistance. May 105 naman ang hindi nakapagclaim sa iba’t ibang kadahilanan. Meron ilan na may isyu ang mga dokumento, ang iba wala ang may-ari o ayaw na talaga magclaim.

Ani RD Nabol, papalitan nila ang natitirang 105 ng ibang kwalipikadong rice retailers. Nagsimula ang cash assistance distribution para sa 105 na retailers kahapon, Setyembre 21 at magtatagal hanggang sa Biyernes, Setyembre 22. | via Twinkle Neptuno | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us