Labintatlong rice seed companies at anim na nutrient management companies sa bansa ang nangakong tutulong sa pagpapataas ng produksyon ng palay.
Sa isinagawang 16th National Rice Technology Forum, ipinakilala ng seed companies ang kanilang mga mataas na klase ng binhi at ang kanilang mga pinakamahusay na teknolohiya, at kasanayan sa pagtatanim.
Naging bahagi ng aktibidad ang isang field tour sa Poblacion, Hagonoy, kung saan ipinakita ang mga techno demo farm na may sukat na 131.83-hectare, na tinaniman ng 24 na hybrid rice varieties.
Doon ay iprinisinta nila ang mga mahuhusay na kasanayan sa paghahanda ng lupang sakahan, soil at water management, nutrient management, at ang pest and disease management.
Kasunod na rin ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang local rice production, at matiyak ang kasapatan ng suplay ng bigas.
Sa naturang forum ay natalakay din ang mga hakbang kung paano matutulungan ang mga rice farmer sa epekto ng nakaambang El Niño phenomenon. | ulat ni Rey Ferrer