Nadagdagan pa ang bilang ng micro rice retailers na natulungan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lungsod ng Navotas.
Ito ay sa ilalim ng nagpapatuloy na distribusyon ng DSWD Sustainable Livelihood Program para sa mga magbibigas na naapektuhan ng itinakdang price cap.
Para sa ikatlong batch ng mga benepisyaryo, umabot sa 174 Navoteño micro rice retailers ang nakatanggap ng ₱15,000 livelihood assistance grant.
Katumbas ito ng pondong nagkakahalaga ng ₱2.6-million.
Una nang iniulat ng DSWD-NCR na nasa halos 2,000 rice retailers na sa Metro Manila ang nakinabang sa cash assistance ng pamahalaan.
Inaasahan ding madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw lalo’t nagsimula na rin ang pamamahagi ng cash assistance sa mga sari-sari store owners. | ulat ni Merry Ann Bastasa